Mga Paraan Kung Paano Makakayanan ang Stress Dulot ng COVID-19 Crisis

 Lahat ng tao hindi lang dito sa Pilipinas ngunit pati na sa buong mundo ay apektado ng COVID19 crisis. Ang pandemic na ito ay nagdudulot ng iba’t ibang problema mula sa kalusugan, ekonomiya, at trabaho. Dahil dito, hindi maiiwasan ang pag-aalala at pagkabahala sa anong pang maaaring mangyari at kung paano masusolusyonan ang krisis na ito. Pati ang mga OFWs ay sadyang nakararanas din ng stress, anxiety, at panic sa panahong ito.

Post from:Mga paraan upang makayanan ang stress

Kaya narito ang ilang mga paraan na maaaring makatulong para mas madaling kayanin ang mga kasalukuyang pagsubok:

1.Kausapin ang mga mahal sa buhay o mga taong mapagkakatiwalaan 

Normal lang na iba’t ibang emosyon ang maramdaman ngayon kaya mahalagang sikapin mong buksan ang daan para makipag-usap sa ibang tao lalo na sa iyong mga mahal sa buhay nang sa gayon ay mailalabas mo ang iyong saloobin at hindi ito naiipon na maaring pang magdulot ng hindi maganda sa iyong kalusugan.

2.Panatilihin ang healthy lifestyle

Laging paalala ng mga eksperto na dapat pangalagaan ang kalusugan kaya kahit na mahirap ang iyong pinagdadaanan, mahalagang alagaan pa rin ang sarili. Mas mahirap magkasakit sa panahong ito. Kumain ng tama at masustansyang pagkain, uminom ng maraming tubig, iwasan ang paninigarilyo at pag-inom ng alak, mag-ehersisyo, at matulog ng tama at sapat.

3.Gumamit ng mga reliable source of information

Tandaan na hindi lahat ng nakikita nating impormasyon lalo na sa social media ay totoo at galing sa credible at verified sources kaya dapat ito ay sinusuri bago paniwalaan. Ang mga fake news ay nagdudulot lamang na mas matinding pag-aalala para sa lahat kaya iwasan din maging source nito. Gamitin lamang ang mga impormasyon galing sa mga mapagkakatiwalaang media networks at health agencies.

4.Iwasan ang information overload
Totoong mahalaga na updated ka sa mga pangyayari tungkol sa COVID-19 ngunit hindi maiiwasan na sa dami ng impormasyon ay mas nakakadagdag pa ito sa stress o mas nakaka-overwhelm lalo na kung ito ay mga negatibong balita. Sa ganitong sitwasyon, siguruhin ang impormasyon na iyong babasahin or panunuorin ay dapat nasa limitasyon lamang ng kaya mong i-proseso. May kalayaan ka rin bawasan ang iyong exposure sa mga media coverage sa oras na maramdaman mo na hindi na ito nakakatulong sa iyong mental at emotional health.
5.Maghanap ng mapaglilibangan bukod sa social media
Para maiwasang mag-focus lagi sa mga hindi magagandang pangyayari, subukang bawasan ang paggamit ng social media unless kinakailangan at gumawa ng ibang bagay na mapag-lilibangan. Kung ikaw ay may kapasidad at resources, maaaring magtake ng libreng online courses o kaya magsimula ng bagong hobbies tulad ng pagluluto o pagbe-bake. Kung kasama mo ang iyong pamilya, paglalaro ng board games ang pwede niyong pagkaabalahan.

Bawat tao ay maaaring makaranas ng stress at pagkabalisa lalo sa panahon ng krisis at ito ay normal lamang. Hindi man madali pero likas na sa mga Pilipino ang katatagan kaya mahalagang subukang kayanin pa rin ang araw-araw na pagsubok habang nilalaban natin ang COVID-19 crisis.





Comments

Popular posts from this blog

Malusog na Pamumuhay Sa Panahon ng COVID-19

Coronavirus disease (COVID-19): Paano alagaan ang isang taong may COVID-19 sa bahay – Payo para sa mga caregiver