Mga bagay na kailangan gawin para maiwasan ang COVID-19
Tumulong Upang Mapahinto ang Pagkalat ng Coronavirus at Protektahan ang Iyong Pamilya Ang pandemya ng COVID-19 ay nangangailangan na manatiling maingat tayo sa ating pang-araw-araw na buhay. Ang bawat isa sa atin ay maaring gawin ang ilang simpleng hakbang upang matulungan ang pagbagal ng pagkalat ng sakit na coronavirus at protektahan ang ating sarili, ating pamilya at ating mga komunidad. Posted BY :FDA Ang mga hakbang ay: Maghugas ng iyong mga kamay nang madalas gamit ang simpleng sabon at tubig. Takpan ang iyong bibig at ilong gamit ang pangtakip sa mukha na gawa sa tela o non-surgical mask kapag nasa paligid ng iba Iwasan ang matataong lugar at magsanay ng pagitan mula sa kapwa-tao (manatili ng hindi bababa sa 6 na talampakan na pagitan mula sa iba) Narito ang ilang mga paraan para sa iyo at sa iyong pamilya na makakatulong para mapabagal ang pagkalat ng sakit na coronavirus. Maghugas ng iyong mga Kamay Una, magsanay ng simpleng kalinisan. Maghugas ng iyong mga kamay nang regul