Coronavirus disease (COVID-19): Paano alagaan ang isang taong may COVID-19 sa bahay – Payo para sa mga caregiver
Kung nag-aalaga ka ng taong may COVID-19, sundin ang payong ito para protektahan ang iyong sarili at iba pang tao sa bahay, pati na rin ang mga tao sa iyong komunidad. Limitahan ang paglapit : Isang malusog na tao lang ang dapat magbigay ng pangangalaga. Huwag magpahgamit ng mga personal na gamit sa taong may sakit,gaya ng mga sipilyo, tuwalya, kubrekama, kubyertos, o elektronikong device. Gumamit ng banyo na hindi ginagamit ng taong may sakit, kung posible. o Kung hindi ito posible, dapat ibaba ng taong may sakit ang takip ng kubeta bago mag-flush. Posibleng maipasa ng ilang tao ang COVID-19 kahit na hindi sila nagpapakita ng anumang sintomas. Makakatulong ang pagsusuot ng mask, kabilang ang hindi non-medical mask o pantakip sa mukha (ibig sabihin, gawa sa hindi bababa sa dalawang layer ng tinahing tela, na idinisenyo para matakpan nang buo ang ilong at bibig, at nakakabit nang mabuti sa ulo sa pamamagitan ng mga tali o ear loop) na protektahan ang ibang tao sa paligid mo. Iwasang